top of page
Pokwang.jpg

Awww! Ganern?!!! Direk Paul, umaming 'di hahabulin si Toni 'pag nakipaghiwalay

Beth Gelena
Oct 21, 2019
2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Ibang klase rin kung magbigay ng regalo si Toni Gonazaga para sa kan­yang mister na si Direk Paul Soriano. Ang gift niya rito ay gumawa ng mga tanong na nakapagpakilig sa mga netizens. Katunayan, viral ang Q & A ni Toni sa mister.

Umagaw ng pansin sa socmed ang latest vlog ng TV host sa kanyang YouTube channel.

Napansin agad ng mga netizens sa paghaharap ng mag-asawa na halos matunaw si Toni sa mga titig ni Direk Paul.

Tanong ni Mrs. Soriano, ano raw ang success para sa mister.

“When I can share it with you, guys,” sagot ni Direk Paul.

Nagiging sad naman daw si Direk Paul kung malayo sa kan­yang mag-ina.

Tinanong uli ni Toni kung ano ang nakakapagpasaya sa asawa.

“You and Seve!” sabi nito na dinugtungan ng “Family.”

Lalong kinilig ang mga net­izens nang itanong ni Toni sa mis­ter kung paano raw nito nalaman na siya na nga ang “the one.”

Maging si Toni ay na-touched nang sabihin ng kanyang mister na “You were always in my mind.”

Ang hardest thing daw na na­ranasan ni Direk Paul nu’ng ma­ging magkarelasyon na sila ni Toni ay ang mga magulang ng aktres.

Sobrang strict daw sa rules ang parents ng kanyang misis. Pero dapat daw niyang respetuhin ang mga ito dahil importate rin sa kanya ang family.

Nakayanan ni Direk Paul ang mga strict rules nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy dahil “worth it” naman daw talaga si Toni.

Ang appreciation daw niya kay Toni ay as a woman, homemaker, wife, and a mother.

Saad pa ni Direk Paul when Toni asked him kung better wife o better mother ang misis, “Better mother. Being a better mother is what makes you a better wife.”

Mas nadagdagan ang pagmamahal ni Toni sa asawa nang sabihin nitong si Seve ang kanyang greatest achievement.

Isa pang tanong ni Toni, “What would make you walk out of our marriage?”

Sagot ni Direk Paul, “It’s when you walk out of it.”

Toni: “What if I don’t?”

Paul: “Then, I won’t.”

Na-teary-eyed si Toni sa sagot ng mister. Ang sweet nga naman nito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page