Alamin kung paano… Mga negosyante, mas susuwertehin at madaling yayaman kapag new moon
- Sr. Socrates Magnus II
- Oct 21, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang mga kaalaman na may kaugnayan sa darating na New Moon na magaganap nagyong October 28.
Ang tanong ng marami, “do the stars govern our life?” Ang sagot ay maybe or maybe not.
Ang isa pang gustong malaman ng marami ay “does the moon affect our lives?” Ang sagot ay yes na yes.
Bilang katuwaan, pero seryosong bagay, kumuha ka ng buko, buksan mo ito sa panahon ng Full Moon at matutuklasan mo na ang buko ay umaapaw sa sabaw. Maganda na ikaw mismo o personal mong matutuklasan na ang moon pala ay nakaaapekto sa buhay ng tao, lalo na sa mga nagtitinda ng buko juice, dahil kapag Full Moon, marami silang aanihing sabaw ng buko.
Sa panahon naman ng New Moon, kumuha ka ulit ng buko at kapag binuksan ay makikita mo na konti lang ang sabaw. Nakatutuwa pero magandang masubukan ng mga nag-aalinlangan kung ang moon ay may epekto sa buhay ng tao.
Nagtitinda ka ba ng prutas? Anihin mo ang paninda mong prutas sa panahon ng New Moon at mauubos agad ang mga ito kapag ibinenta mo. Bakit? Dahil matatamis ang prutas na inaani sa panahon ng New Moon.
Madali lang magpayaman kapag ang negosyante ay sumusunod sa mga kaalaman tungkol sa buwan. Gardening ba ang hanapbuhay mo? Magpaparami ka ba ng mga halaman saka mo ibinebenta? Ito ang patok na negosyo dahil ang mga tao ay nahihilig sa mga halaman, pero kung wala kang kaalaman tungkol sa moon, puwede kang malugi at bumagal ang iyong pag-asenso. Mabilis na tumutubo ang binhing buto sa panahon ng New Moon, dahil napakalakas ng gravitational pull sa water o moisture content na nasa seeds kaya mabilis at madaling mabibiyak ang coating ng mga binhing-buto.
Minsan, sabi ni Albert Einstein, “do not be afraid to ask questions,” na nagsasabing mas magandang maging curious sa mga bagay-bagay kesa sa hindi dahil mula noon hanggang ngayon, ang curiosity ay pinakikinabangan ng mga imbentor at ng mga alagad ng siyensiya.
May sakit ka bang insomnia, nahihirapan ka bang makatulog? Kung makatulog ka ba ay tulog-manok o sobrang babaw ng tulog mo? Huwag mong pilitin ang sarili mo dahil kapag pinilit mong matulog sa panahon na nahihirapan ka ay lalo kang hindi makakatulog.
Hintayin mo ang pagdating ng New Moon, saka matulog nang matulog dahil tiyak na sobrang himbing ng tulog mo at mananariwa ang lakas at sigla mo.
Totoo kaya ito? Subukan mo para personal mong ma-experience ang epekto ng moon sa buhay ng tao.
(Itutuloy)




Comments