top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Venues ng ilang SEAG events, problema pa

  • Gerard Arce
  • Oct 20, 2019
  • 2 min read

Malaking suliranin pa rin ang kinahaharap ng ahensiya ng pampalakasan hinggil sa mga hindi pa natatapos na venues na gagamitin para sa 30th Southeast Asian Games na magsisimula sa Nob. 30-Dis. 11 sa bansa.

Halos anim na linggo na lang ang nalalabi bago magbukas ang ikaapat na hosting ng bansa sa biennial meet, ngunit pinangangambahan ng mga pinuno ng National Sports Association (NSAs) na magkaroon ng malaking epekto ang pagkadelay ng gagamiting venues sa Filipino athletes.

Ayon sa mga report ng ABS-CBN, maaaring kanselahin ng Squash ang 3 sa 6 na events nito sa SEAG dahil baka hindi umabot ang konstruksyon ng squash courts sa Rizal Memorial Sports Complex. “It’s embarrassing, something like this should’ve been done maybe about 6 or 8 months ago,” mainit na pahayag ni Philippine Squash Academy (PSA) president Robert Bachmann sa interview ng TV Patrol. Idinagdag din ni Bachmann na pinoproblema nila kung saan gaganapin ang natitirang squash events lalo pa’t tumanggi na umano ang Kerry Sports Manila, na may 2 glass-backed squash courts na doon gawin ang naturang events.

Ganito rin ang sentimiyento ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) hinggil sa hindi pa natatapos na competition area sa RMSC. Sinabi ng pamunuan ng GAP na bukod sa hindi pa natatapos na lugar ay hindi pa rin dumarating ang mga kagamitan na magbibigay sana ng bentahe sa national team members na magamit sa pag-eensayo.

Iniisip din ng GAP ang mga sasabihin ng mga manlalaro ng ASEAN dahil sa kakulangan ng aircon at maayos na palikuran ng mga establisimyento. Patuloy pa ring nilalagay sa rehabilitasyon ang 10-ektaryang lupain sa loob ng RMSC na kinabibilangan ng Tennis at Soft Tennis sa Tennis Center, na gaganapan ng Taekwondo at Weightlifting ang Ninoy Aquino Stadium at ang Football Field na lalaruan ng men’s football event.

Sinabi rin sa report na hindi pa rin natatapos ang Skate Park sa Tagaytay City na gagamitin sa skateboard event, kung saan inaasahang aabot sa deadline ito kung sakaling hindi ulanin. Idinagdag pa umano sa ulat na kailangan pang subukan ng pamunuan ng Skateboard Association ang naturang lugar ng mga national team para sa kaligtasan ng mga atleta. Matatandaang nababahala si Philippine Sports Commission (PSC) chairman at Chef de Mission William “Butch” Ramirez sa pagkaantala ng mga procurement ng mga equipments ng NSAs dahil sa pagkaproblema sa bidding process. Ngunit ayon sa naturang interview ng TV network, inamin ni Ramirez na magagawan daw umano ng paraan na matapos ang mga konstruksyon sa takdang oras.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page