top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tubig sa angat dam, patuloy sa pagbaba

  • V. Reyes
  • Oct 20, 2019
  • 1 min read

Tuluy-tuloy pa umano ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam sa kabila ng nararanasang mga pag-ulan sa nakalipas na mga araw.

Ayon kay Richard Orendain, hydrologist ng PAGASA, mula noong Oktubre 1, nababawasan pa ang water level sa Angat dahil hindi umano ito masyadong nauulanan.

Huli aniyang naranasan ang malakas na pag-ulan sa watershed ay noong unang dalawang araw ng Oktubre.

Kailangan aniyang paabutin nang hindi bababa sa 212 meters sa katapusan ng taon ang antas ng tubig sa Angat, bilang paghahanda sa panahon ng tagtuyot sa susunod na taon.

Tinataya ni Orendain na aabot lamang sa 200 meters ang antas ng tubig sa Angat sa katapusan ng Oktubre.

Ala-1:00 ng Sabado ng hapon nang maitala ang 187.26 meters na elevation level sa Angat.

Kasabay nito ang patuloy na pakiusap ng PAGASA sa publiko na magtipid at mag-recycle ng tubig.

Hinihimok din ni Orendain ang pag-iipon ng tubig-ulan para magamit sa ibang bagay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page