top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Pakikipag-away sa kapwa babae, senyales na boring ang buhay

  • Socrates Magnus
  • Oct 20, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ice ng Ice_Jan_ Maria@facebook.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Nasa kuwarto kami ng anak ko tapos, lumabas ako at parang merong babae na gagawa ng masama sa amin ng anak ko. Nagmadali akong pumasok sa kuwarto tapos, sinundan ako ng babae kaya minadali kong isara ‘yung pintuan ng kuwarto. Nagpumilit siyang pumasok kaya bago pa niya kami maunahan o bago niya masaktan ang anak ko ay kinuha ko ‘yung dalawang itak na nasa ilalim ng kama ko at pinagtataga ko siya. Kitang-kita ko ‘yung mga malalaking sugat niya tapos, itinulak ko siya palabas saka ko ini-lock ‘yung pinto. Sumilip ako sa bintana tapos, may babaeng kakilala ko na paparating kaya pinapasok ko siya at humingi ako ng tulong sa kanya.

Naghihintay, Ice

Sa iyo Ice, Boring ang buhay mo, iha, kaya kailangan mong maging aktibo. ‘Ika nga, active life is the key to fight boredom dahil ang kakulangan sa pagkilos ay nareresulta sa pagkabagot kaya mapapansin mo na parang napalaban ka sa iyong panaginip. Sino ang babae na gagawa sa inyo ng hindi mabuti? Ang nakabibiglang sagot, ikaw mismo.

Ayon sa mga eksperto, ang nakakalaban ng tao sa kanyang panaginip ay siya rin mismo kung saan ang kalaban ay sumisimbolo sa sarili.

Medyo mahirap maunawaan, pero ito ay nararanasan ng taong hindi makawala sa sariling problema kung saan hindi niya magawa ang gusto niyang gawin at ito ang dahilan kung bakit galit siya sa kanyang sarili. Pero kapag ang sarili na hindi magawa ang gusto niyang gawin ay kumilos nang kumilos ayon sa kanyang gustong gawin, siya at ang sarili na nagalit ay hindi na muling mag-aaway at ito ay magreresulta sa pagganda ng kanyang buhay.

Sino naman ‘yung isa pang babae na hiningan mo ng tulong? Walang iba kundi ikaw din. Sabi nila, walang ibang tutulong sa tao kundi ang kanyang sarili. Kaya kahit payuhan nang payuhan ang tao, kung hindi niya tutulungan ang kanyang sarili ay wala rin.

Pag-aralan mo ang mga pananaw na nababasa mo ngayon dahil malaki ang magagawa ng mga ito para matalo ang iyong pagkabagot sa buhay.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page