Iba’t ibang de-kalibreng armas, nasamsam

Nasamsam sa operasyon ng militar at pulisya ang nasa halos 30 piraso ng iba’t ibang matataas na uri ng armas sa magkahiwalay na lugar sa Cebu City.
Kasabay sa pagsalakay ng mga operatiba ng Naval Forces Central ng Armed Forces of the Philippines (NFC-AFP) at ng Special Operations Unit (SOU) at police personnel mula sa Cebu City Police Office (CCPO) sa dalawang bahay ang pagkakasakote sa 13 katao.
Pinakamaraming nakumpiskang mga armas ay mula sa magsasakang si Mark Villardo na nagtatago ng 17 piraso iba‘t ibang uri ng baril at bala.
Nasa 12 iba pang suspek ang hinuli dahil sa pag-iingat ng mga bulto ng baril at mga bala sa kani-kanilang bahay.
Kinilala ang mga suspek na sina Robert Fabroa, Richard Bacayan, Ancelmo Bacus, Tuting Racoma, Amy Sequera, Alejo Pador, Celso Narra, Dominador Bontuyan, Wenefredo Jayme, Jonard Arcilla, Mark Villardo, Casimiro Pelones at Berto Contago.
Kabilang sa mga nakumpiska ang sniper rifle, AK-47 assault rifle at M16A1 Colt assault rifle.





Comments