top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hayes at Pastrana ng Lady Bulldogs at DLSU, bumida

  • VA
  • Oct 20, 2019
  • 2 min read

Nalusutan ng National University ang tangkang pagsilat sa kanila ng University of Santo Tomas makaraang ungusan nito ang huli, 74-70 kahapon sa UAAP Season 82 Women’s Basketball Tournament sa Ynares Center sa Antipolo. Ipinamalas ni Kelly Hayes ang kanyang best game bilang Lady Bulldogs matapos umiskor ng 24 puntos, 3 rebounds, at 2 assists at giyahan ang koponan sa kanilang ika-11 sunod na panalo. Angat sa iskor na 42-27 sa halftime, nakahabol ang Tigresses sa Lady Bulldogs at ibinaba ang lamang sa 49-58 sa pamumuno ni Grace Irebu may 9:21 pang oras na nalalabi. Doon na kumilos si Hayes at pinamunuan ang 14-3 run ng Lady Bulldogs para ibalik ang bentahe sa 20 puntos, 72-52 , 4:52 na lang ang natitira sa oras. Hindi pa rin sumuko ang Tigresses at muling ibinaba ang bentahe sa apat na puntos, may nalalabi pang 37.5 segundo.

Dito na napilitan si NU coach Patrick Aquino na ibalik ang starters upang pigilin ang Tigresses. “Sa akin lang, we need to finish the job all the time. Everyone who comes inside the court should do their jobs,” wika ni Aquino matapos lumawig ang historic win streak ng NU sa 91 straight games.

Nanguna si Ruby Portillo para sa Golden Tigresses na bumaba sa markang 9-3 sa itinalang 16 puntos, 4 rebounds, 3 steals at 2 assists kasunod si Irebu na may double-double 14 puntos, 12 boards, 6 steals at 2 blocks.

Sa isa pang laban, napanatiling buhay ng La Salle ang tsansang umusad ng Final 4 pagkaraang igupo ang Far Eastern University, 63-47. Namuno si Kent Pastrana na nagposte ng 23 puntos, 7 rebounds at 4 na para sa ikatlong sunod na panalo ng Lady Archers. Umangat ang La Salle sa 6-5 na marka, isang panalong nahuhuli sa kanilang biktima na bumaba sa 7-5 na kartada.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page