top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Estudyante, 3 pa tiklo sa droga

  • Maeng Santos
  • Oct 20, 2019
  • 1 min read

Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 14-anyos na estudyante ang nadamba sa buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, Sabado ng madaling-araw.

Sa nakarating na ulat kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-12:30 ng hatinggabi nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna nina P/Capt. Deo Cabildo at P/Maj. Rengie Deimos ng PCP-2 ang buy-bust operation kontra kay Marvin Adrineda, 40, at sa alalay nitong menor-de-edad na itinago sa pangalang Popoy sa Bgy. 33.

Matapos iabot ng mga suspek ang sachet ng shabu sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P200 buy-bust money ay agad na sinunggaban ang mga ito.

Nang kapkapan, nakumpiska kay Adrineda ang P600 kabilang ang buy-bust money at dalawa pang sachets ng hinihinalang shabu.

Kasama ring natimbog sina Rexon Reyes, 34, construction worker at Aman Magtira, 22, pedicab driver nang maaktuhang umiiskor ng droga kay Adrineda at narekober sa kanila ang tig-isang sachet ng shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page