Claudine, sinita, bakit daw pinapunta sa burol… Kumalat sa fb: Marjorie, tinawag na patay-gutom ang
- Julie Bonifacio
- Oct 20, 2019
- 3 min read

Ramdam ang tensiyon sa huling gabi (Friday) ng burol ng ama nina Claudine, Marjorie at Gretchen Barretto na si Mike Barretto. But at least, mukhang behave na sila. Dapat naman, kasi huling gabi na ‘yun ng daddy ng Barretto sisters at lolo nina Julia, pati na ng pinag-uusapang si Nicole na pamangkin ni Claudine.
Pagdating namin sa Heritage Memorial Park sa Taguig, nandoon ang aktor na si Edu Manzano and a little while, dumating naman ang dating mayor ng Maynila na si Joseph ‘Erap’ Estrada.
Dinatnan naman namin sa wake ang Star Magic head na si Johnny Manahan at si Mariolle Alberto na nginitian kami from a distance. Ang Star Magic ang nagha-handle ng career ni Julia at ang nagbabalik na si Claudine. Ewan kung papaano ang gagawin nila para mapag-ayos ang mag-tita.
Maya-maya ay dumating si Claudine at nakipagtsikahan din kay dating Mayor Erap Estrada. Ang ina ni Clau na si Mommy Inday ang katsika ni ex-Mayor Erap throughout the night. Tinatawag-tawag ni Mommy Inday ang kanyang mga anak at ipinapakilala kay ex-Mayor Erap. Pati si Julia ay tinawag din ni Mommy Inday para bumati rito.
Paalis na kami nu’ng makasabay namin si Claudine sa restroom. At doon ay natanong namin siya tungkol sa mga nakarating sa aming insidenteng naganap nu’ng second night ng wake.
Una naming tanong kay Claudine, if true ba na si Gretchen ang dahilan ng pagtatalo nila ni Marjorie.
Tama raw, pero bukod doon, ikinagalit daw ni Marjorie ang pagdating sa wake ng isang staff from an entertainment online news. Akala raw ni Marjorie ay si Claudine ang nagpapunta sa staff doon sa wake at pati na sa ibang taga-media na dumating.
Kaugnay nito, may nag-post din sa FB na tinanong diumano ni Marjorie si Claudine kung bakit pa raw niya pinapunta ang mga “patay-gutom” na maaaring ang tinutukoy ay ang mga entertainment press.
Tinanong ko rin si Claudine if true ba na dinuru-duro at itinulak-tulak siya ni Marjorie kaya na-provoke siya na sampalin ang kapatid?
Tumango rin si Claudine sa amin.
Pangatlo, if true rin ba na minura siya ni Julia nang dalawang beses at ano ang na-feel niya?
“Yes, ang na-feel ko? Nasaktan ako kasi parang anak ko mismo ‘yung gumawa sa akin noon, eh,” malungkot na tugon ni Claudine.
Tama naman d’yan si Clau. May mga nagme-message rin sa amin after mabalitaan ang ginawa ni Julia at nire-recall ang pagmamahal at tulong na ibinigay ni Clau sa pamilya ni Marjorie at iba pang kapatid.
May isang comment kaming nabasa na ganito ang nakasaad, “Salbahe ‘yung Nicole, at lalong salbahe ‘yung Julia. Nakalimutan niya na bago naging kabit ni (name ng pulitiko) ang nanay niya, si Claudine ang nagpapakin sa kanila.”
Samantala, nu’ng tinanong si Claudine kung willing ba siyang maging bridge para magkabati-bati silang lahat, tumanggi siya.
“Ay, hindi. Hindi pa rin. Ayoko, masyadong malaking ano ‘yun… (maybe) in God’s perfect time,” pahayag ni Claudine.
Kuwento naman ng aming source, “Alam mo ‘yung Julia, binastos daw si P-Duterte. Tinanong kung bakit siya nandoon, eh, hindi naman siya close sa pamilya nila. Kaya pala umalis agad si P-Duterte.”
Lingid sa kaalaman ni Julia, malapit kay P-Duterte si La Greta dahil sa very openly niyang pangangampanya sa dating Davao mayor nu’ng eleksiyon.
Anyway, paglabas ng restroom ay pinuntahan ni Claudine ang kaibigang si Gladys Reyes na kararating pa lang. Kahit paalis na si Claudine, binalikan pa rin niya si Gladys at doon nagkatsikahan ang magkaibigan kaya ramdam naming kahit papaano ay nabawasan ang lungkot ng una.
Natanong din namin si Claudine tungkol sa sinabi ni Judy Ann Santos na gusto siyang makasama sa project.
“Dream namin ‘yan. Si Gladys talaga ang witness. Ewan ko ba kung bakit kami pinag-ipit talaga. Gusto niya talaga kaming magsama kasi ano, my God, si Juday, Juday is Juday. Sabihin ko talaga ‘yun,” sagot ni Claudine.
Dagdag pa niya, “Uy, meron nga dati. May ano, may ready na si Direk Wenn (Deramas), ‘di ba? Movie dapat. Dapat, Juday-Ryan, ako-Raymart, tapos si Gladys at si Chris (Christopher Roxas).”
Wish ni Clau na magkatrabaho sila ni Juday with Gladys kahit nga raw isang episode lang sa Maalaala Mo Kaya.
And of course, looking forward na rin si Clau sa movie nila ni Piolo Pascual under Star Cinema.
“Of course. Nandu’n ako kanina sa Star Cinema at sa Star Magic. Kasi I’m back with Star Magic as my manager with Bianca Lapus, nagko-co-manage sila.”
Sa huling interview namin kay Piolo, gustung-gusto niya na matuloy ang movie nila kasi it was his way of giving back kay Claudine sa favor na pagpayag nitong maging leading man siya sa blockbuster film na Milan.
“Alam ninyo ‘pag kaibigan ko, alam ni Piolo ‘yun, walang number one na puwedeng manakit sa kanya na malalaman ko dahil aawayin ko. Ganoon ako. Sa totoong buhay, kontrabida talaga ako,” dagdag pa ni Claudine.




Comments