top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Besh, may kilala ka bang ganito? Senyales ng katrabahong panira ng araw at buhay

Jersey Sanchez
Oct 20, 2019
2 min read

Sabi nila, one apple can spoil the whole bunch. Totoo ito pagdating sa workplace dahil nakasisira sa samahan ng team ang negative vibes ng isang miyembro. Bukod sa hindi siya madaling pakisamahan, mahirap ding kumilos kapag kasama siya. Gayunman, paano natin masasabi na hindi mapagkakatiwalaan ang isang katrabaho?

Hindi siya harmful sa pisikal, pero puwede siyang maging lason sa inyong team kung hindi maaagapan. Kaya mga besh, narito ang ilang signs para makumpirma na hindi mapagkakatiwalaan ang iyong workmate:

1. INTERESADO SA JOB DESCRIPTION MO. Oks lang magtanungan ng ideas o humingi ng instructions sa workmate dahil makatutulong ito para sa professional growth, pero kung sobra sa sakop ng trabaho ang inaalam niya, makaramdam ka na. Minsan, ito ang technique ng hindi mapagkakatiwalaang katrabaho upang mahigitan ang “team player” at siya ang maging the best.

2. MAY SINIRAAN NANG IBANG TAO NOON. Lahat tayo ay may pagkakamali, pero hindi na ito dapat ungkatin dahil hindi ito makatutulong sa trabaho. Kung meron kang katrabaho na inuungkat ang mga bagay tungkol sa colleague n’yo na nakaalitan niya, makabubuting umiwas ka na lang.

3. HINDI MARUNONG TUMANGGAP NG PAGKAKAMALI. Ayon sa mga eksperto, ang pagiging successful ng career ay nakasalalay sa paraan ng pagtanggap ng feedback. Besh, kapag mabilis madismaya o magalit ang katrabaho mo, mataas ang tsansa na hindi niya nari-realize na may nagawa siyang mali. At ang masaklap, hahanap siya ng butas sa ibang miyembro ng team para iba ang masisi. ‘Yun lang!

4. SINUSOLO ANG CREDITS. Siguradong lahat tayo ay gustong makatanggap ng credits, lalo na kung deserve natin, pero kapag inaangkin ng iba ang lahat ng ito na dapat ay para sa buong team, it’s a sign na hindi siya mapagkakatiwalaan. ‘Yung tipong ipinagkakalat niya na siya lang ang nag-e-effort kahit pare-pareho naman kayong nagtrabaho. Tsk!

5. PURO SALITA AT WALANG OUTPUT. ‘Yung sa una lang siya magaling at malalaman mo na ganu’n ang attitude niya kung saan madalas siyang magyabang na natatapos agad ang kanyang gawain, pero hindi naman pala totoo. Mga bes, totoo na may mga ganitong uri ng empleyado at madalas, sila ang mga tao na nakaaapekto sa tiwala, teamwork at production flow ng team. Awww!

May na-experience ka na bang ganito, beshy? At para sa mga hindi aware na may ganitong uri ng katrabaho, make sure na huwag dedmahin ang mga signs na ito.

Huwag kalimutang ibahagi ito sa inyong mga kakilala o kapamilya. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page