3 niratrat ng riding-in-tandem, todas
Tatlo katao ang patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Bayawan, Negros Oriental, kamakalawa.
Kabilang sa mga pinagbabaril ang 60-anyos na si Heide Rio, ang live-in partner nitong si Richard Billalos, 29, at ang menor-de-edad na lalaki na itinago sa pangalang Jay-R, pawang mga residente ng Bgy. Banga.
Ayon kay Bayawan City Police Station Chief Lt. Josue Lungog, sakay ang mga biktima sa motorsiklo (XR 125) at ilang metro na lamang ang layo sa kanilang bahay nang pagbabarilin sila ng riding-in-tandem sa Sitio Cancaban.
Base sa report, bumagsak ang mga biktima sa lupa subalit, binalikan pa ng mga suispek at pinagbabaril bago nagsitakas.
Isinantabi ng pulisya ang anggulong ilegal na droga sa krimen dahil nagtitinda lamang ang biyudang si Rio ng herbal medicines habang patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.





Comments