top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

2 years kesa 6 months probationary, sopla!

  • L. Abenales / J. Tumbado M. Moratillo
  • Oct 20, 2019
  • 1 min read

Malabong makakuha ng suporta sa Senado ang ipinapanukala sa Kamara na gawing dalawang taon ang probationary period sa mga manggagawa bago sila maging regular sa trabaho.

Iginiit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi tama ang naturang panukala kasabay ng pagsasabing kahit isang buwan lang ay kaya nang matukoy ng kumpanya kung nararapat ang isang empleyado na maging regular worker.

“Hindi tama ‘yun. Kung tutuusin isang buwan ka lang nagtatrabaho o dalawang buwan alam mo kung kuwalipikado o hindi,” ani Sotto.

Iginiit din ng mambabatas na mismong siya ay hindi pabor sa panukala kaya posible itong maharang kung aakyat sa Senado.

Matatandaang, una nang inihain ni Probinsyano Ako Partylist Representative Jose “Bonito” Singson, Jr. ang House Bill 4802 na nagsasabing hindi sapat ang anim na buwang probationary employment period sa ilalim ng Labor Code upang ma-assess ang isang empleyado kung kuwalipikado para sa regularization lalo na sa trabahong nangangailangan ng specialized skills at talents.

Samantala, kinontra rin ito ni Labor Secretary Silvestre Bello kasabay ng pagbibigay-diin na puwede namang magkaroon ng apprenticeship agreement ang employer at empleyado matapos ang anim na buwang probationary period.

“Under the Labor Code, puwede naman ‘yung longer period provided there is an agreement that after six months there is an apprenticeship agreement between employer and employee. Magtatrabaho ka pa rin pero hindi ka pa rin regular, pero may special agreement,” paliwanag pa ni Bello.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page