top of page
Pokwang.jpg

Todo-kuwento ng ex-GF sa nililigawan, iniwasan tuloy

Roma Amor
Oct 19, 2019
1 min read

Dear Roma, Tawagin n’yo na lang akong Wyn, 29-anyos. Tatlong buwan na kaming magkakilala nu’ng nililigawan ko. Okay naman kami, pero nagulat ako nang bigla siyang nawalan ng gana kapag magkausap kami hanggang sa napagtanto ko na baka ang dahilan ng paglayo niya ay ang pag-aakalang hindi pa ako nakamu-move on dahil madalas kong nababanggit ang ex ko. Ano ang dapat kong gawin? – Wyn

Wyn, Alam mo, walang mali sa pagkukuwento ng iyong nakaraan dahil hindi naman talaga iyon naiiwasan, pero hindi ito kailangang banggitin sa lahat ng pagkakataon. Tulad ng sinabi mo, madalas mong nababanggit ang iyong ex kaya malamang, inisip niya na hindi ka pa nakamu-move on, gayundin, baka maging rebound siya kaya minabuti niyang lumayo sa iyo. Gayunman, hayaan mo muna siya dahil baka space ang kailangan niya at kapag nagkausap na kayo ulit o binigyan ka niya ng chance, huwag mo na itong sayangin. God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page