top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nahulihan ng shabu.. Dalaw ng preso, kulong

Mylene Alfonso
Oct 19, 2019
1 min read

Hindi na nakalabas sa Manila Police District-Station 4 ang 22-anyos na lalaki na nagtangkang magpuslit ng shabu nang dumalaw sa isang preso, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Manila.

Nakadetine sa custodial facility ng MPD-Stn. 4 ang suspek na si Crisfford Amosco, residente ng Sampaloc.

Inaresto ang suspek ni Patrolwoman Bernadeth Mapue, matapos nitong aminin na may dala siyang shabu na ibibigay umano sa presong si Rolan Garcia.

Bandang alas-5:00 ng gabi nang dumalaw ang suspek sa piitan ng MPD-Stn. 4 at habang nirerekisa ang pitaka, nakita ng pulis na may nakasiksik na P20 na nakabilot.

Hindi na nakapalag ang suspek at inamin nito na may dala siyang shabu na nagkakahalagang P1,500.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page