Nag-enjoy, nabitin, aktor niyaya uli… Alice, gustong ulitin ang tikiman nila ni Aga
- Vinia Vivar
- Oct 19, 2019
- 2 min read

It was so well done,” ang deskripsiyon ni Alice Dixson sa love scene nila ni Aga Muhlach sa pelikulang Nuuk.
“Gusto ko. Ulitin natin,” sabi pa ni Alice kay Aga sa presscon kaya nagtawanan ang press.
Sabi naman ni Aga, “Kulang nga, eh.”
Sagot naman ni Alice, “Kulang ba? Ulitin natin.”
Paliwanag ni Aga, compared sa ibang pelikulang nagawa niya kasama ang ibang artista, parang nakukulangan daw siya sa love scene nila ni Alice.
“Dapat it’s even more. But again, the movie’s not about the love scenes. It was just ganu’n, ‘di ba?
“Pero kulang nga. Parang ‘yun na ‘yun?” dagdag pa ni Aga.
Dagdag pang description ni Alice, passionate naman daw ang love scene nila.
“It was tender, it was passionate, it was longing,” she said.
At ang pangangantiyaw pa ni Alice, isa pang dapat abangan ay ang ganda ng katawan ni Aga noong time na isinu-shoot nila ‘yun. Fit na fit daw talaga ang aktor that time.
Natawa si Aga and said, “Bakit, maayos pa naman ako, ah.”
Honestly, medyo tumaba na naman kasi si Aga ngayon.
“Sa totoo lang, noong ginawa ko ‘tong pelikulang ‘to, ang ganda-ganda ng katawan ko. Kaya lang, nakakalungkot lang, kung kelan gumanda ang katawan ko, naka-jacket naman ako parati rito sa pelikula,” natatawa niyang sabi.
Sobrang lamig daw kasi sa Greenland na talagang hindi nila kinakaya ang outdoor scenes. Torture raw ang scene na nag-snow tapos biglang umulan, eh, ang haba pa naman ng eksena.
“Pero tiniis namin,” kuwento ni Direk Veronica Velasco, “sina Aga, every cut, takbo na sa loob kasi unbearable (ang lamig).”
May time pa raw na kinailangan nilang huminto sa pagsu-shooting dahil pati ang mga crew ay hindi na kaya ang lamig.
Pero sabi ni Aga, mahirap but it’s all worth it at mararamdaman naman daw ito ‘pag napanood ang buong pelikula.





Comments