May PCSO, DSWD, PhilHealth at SSS desk.. One-stop shop sa ospital ng Parañaque, binuksan na

Bukas na ang Malasakit Center sa Ospital ng Parañaque sa La Huerta, Parañaque City.
Matatagpuan ito sa ikatlong palapag ng naturang pagamutan na pinangunahan nina Sen. ‘Bong’ Go at City Mayor Edwin Olivarez.
Sinasabing naglaan ng P5 milyong pondo ang mambabatas na gagamitin sa nasabing one-stop shop center upang tulungan ang mahihirap na pasyente.
Target nito ang “zero balance” sa hospital bill ng mga pasyente kung saan matatagpuan ang desk ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Department of Social Welfare and Development (DSWD), PhilHealth at Social Security System (SSS) na direktang aalalay sa mga ito at mapabilis ang serbisyo sa pangkalusugan.
Maglalagay din ng express lane para sa senior citizens at person with disabilities (PWDs).
Samantala, dumalo rin sa okasyon sina Parañaque Congresswoman Joy Tambunting at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.





Comments