Kolehiyala natagpuang patay sa creek
- Jeff Tumbado
- Oct 19, 2019
- 1 min read

Isang college student ang natagpuang patay sa isang creek sa Sta. Ursula, Guagua, Pampanga.
Kinilala ang biktima na si Micaela Layug, 19.
Sa inisyal na impormasyon, alas-3:00 ng madaling-araw kahapon nang matagpuan ang biktima na nakadapa sa creek.
Base sa testimonya ng ilang residente, pasado alas-9:00 ng gabi ng Huwebes nang makarinig sila ng sigaw na humihingi ng tulong mula sa bahay ng biktima.
Hinihinalang namatay ito sa pagkalunod.





Comments