Aktres, game na game… Sunshine, kinaliwa noon, kabit ngayon
Nitz Miralles / Bida

Kabit ang role ni Sunshine Dizon sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Magkaagaw dahil hindi alam ng karakter niyang si Laura na ang pinakasalang si Mario (Alfred Vargas) ay kasal kay Veron (Sheryl Cruz). Kaya ang tanong ng reporter sa aktres ay kung nagbago na ba ang tingin niya sa mga kabit?
Sunud-sunod na “Never...Never... Never” ang madiin na sagot ni Sunshine. Iba raw ang sitwasyon ng karakter na ginagampanan niya sa nangyari sa kanya sa totoong buhay.
“Si Laura, hindi alam na may asawa na si Mario, niligawan siya at pinakasalan. Ang setting ng story ng Magkaagaw ay ‘90s at wala pang Cenomar (Certificate of No Marriage Record) noon, wala pang ways to check kung kasal na ang isang lalaki. I’m sure the viewers will sympathize with Laura. Wala siyang kasalanan dahil hindi siya ang cause ng breakup ng marriage nina Mario at Veron.”
Dagdag pa ni Sunshine, “Ang mga kabit kasi, kung alam mong kasal na ang lalaki, bakit ka papasok sa relasyon na alam mong makakagulo ka sa pamilya ng lalaki? Naranasan ko ang nangyari kay Laura sa Magkaagaw at ayaw kong maranasan ng iba ang naranasan ko dahil masakit sa akin at sa mga anak ko.”
Ayon pa kay Sunshine, nang tanggapin niya ang series, kinailangan niyang ihiwalay ang personal niyang buhay sa trabaho.
“I am an actor and whatever role given to me, I will gladly accept it.”
Kasama si Sunshine sa top rating series ng GMA-7 na Ika-6 Na Utos kaya ang tanong sa kanya, magna-number one rin ba ang Magkaagaw?
Ang sagot ni Sunshine, ike-claim nila ng buong cast na mag-number one nga ang series.





Comments