World gymnast at boxing champ Yulo at Petecio, may tig-P3-M na

Karagdagang P2-M ang natanggap na insentibo ni World Gymnast champ Carlos Edriel Yulo mula sa MVP Foundation at sa pabuyang ipinagkaloob din ni Pangulong Rodrigo Duterte nang magkasunod na araw itong nag-courtesy call kay Smart mogul Manny Pangilinan at sa Malacañang.
Bukod diyan ayon sa Philippine Sports Commission, nag-pledged ng halagang P500,000 si Presidential Adviser on Sports na si Dennis Uy para sa tatlong gold medalists na sina Obiena, Yulo at Petecio mula sa Siklab foundation. Inanunsiyo ito sa kanilang courtesy call sa Malacañang.
Kaya naman mataas na ang kumpiyansa ng 19-anyos na si Yulo sa kanyang pagsabak sa 2020 Olympic Games sa Tokyo. Kakaibang porma ang ipinamalas ni Yulo sa kanyang men’s floor event kung kaya niya nakamit ang gold medal. Naniniwala siyang mas huhusayan pa niya ang kanyang performance sa gagawin niyang sipag sa training. “Hindi pa po ako satisfied doon,” saad ni Yulo sa media conference noong Martes ng Philippine Sports Commission (PSC) kasama si boxer Nesthy Petecio at pole-vaulter EJ Obiena. “Alam kong mas-kaya ko pa po.” Sumang-ayon naman si Cynthia Carrion, head ng Gymnastics Association of the Philippines sport’s national governing body sa tiwala ni Yulo sa kanyang kakayahan.
“He needs to forget his win in the worlds. Stop it. From now on, he has to think of the Olympics. Olympics, Olympics. He has to win the gold,” saad ni Carrion. Wala pang Pinoy na nagwawagi ng gold medal sa Olympics. Ipinagkaloob ni PSC chairman William “Butch” Ramirez ang P500,000 award para kay Yulo base na rin sa incentives law. “The board also approved to give him P500,000 more. Who would have imagined a Filipino winning a gold in the world championships?” ayon kay Ramirez. “Plano ko ibili iyon ng bahay para sa pamilya ko,” saad ni Yulo. “Magiging atleta na rin kasi ang mga kapatid ko, kaya magandang lumaki sila sa maayos na environment.”
Ibinahagi ni Yulo na napakahirap ng pinagdaanan niyang 3 taon na training sa Tokyo lalo na at malayo rin sa kanyang pamilya. “Noong mga unang araw ko sa Japan, nakakaramdam na’ko ng lungkot. Nami-miss ko na’ng pamilya ko,” ani Yulo na minsan napaisip siyang huminto na lang sa gymnast. “’Yung training hindi madali. Sobrang hirap. Araw araw naiiyak ako. Sinabi ko sa coach ko na magku-quit na ako,” aniya.
Pero nang minsang makauwi siya at makausap ang kanyang mga magulang, bumalik siya at nagpatuloy sa training. “Ngayon target ko nang di maulit ’yung dati. Gusto kong lumaban, gusto kong ipakita na kaya ko po,” saad ni Yulo na susunod niyang paghahandaan ang 30th Southeast Asian Games na idaraos sa bansa.





Comments