Van vs. truck, pahinante at driver utas

Patay matapos kapwa maipit ang driver at pahinante nito sa minamanehong delivery van matapos sumalpok sa dump truck, kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng EPZA-Bacao Diversion Road, Gen. Trias City, Cavite.
Kinilala ni Police Col. Marlo Soriano, ang mga biktima na sina Sandy Cavida, 47, driver, residente ng Bgy. Malagasang 2-B, Imus City at ang pahinante nitong si Ariel Cutanda, 36, ng Bgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City, Cavite.
Alas-6:55 ng gabi nang maganap ang insidente. Sakay ang mga biktima ng van na minamaneho ni Cavida na magde-deliver ng mga tube ice.
May kabilisan umano ang takbo ng van kaya hindi na ito nakapagmenor at nasapol ang nag-U-turn na truck na minamaneho ni Jay-R Baylon, 28, ng Bgy. Bilucao, Pitugo, Quezon Province.





Comments