top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para raw makapag-relax.. Teachers’ lounge sa mga public schools

  • BRT
  • Oct 18, 2019
  • 1 min read

Photo: Courtesy of Taguig City PIO

Bibigyan ang mga guro sa pampublikong paaralan ng lounge kung saan maaari silang magpahinga.

Unang binuksan ang EM’s Signal Village Elementary School (EMSVES) sa Central Signal, ang kauna-unahang Teachers’ Lounge sa Taguig, kahapon.

Ang nasabing lounge ay may entertainment area, pantry at conference room.

Kasunod nito ay bubuksan din ang Dr. Artemio Natividad Elementary School (DANES) sa Ususan. Binabalak ding patayuan ang mga natitirang pampublikong paaralan sa Enero 2020. Magkakaroon ng kani-kanyang teachers’ lounge ang bawat 26 na paaralang elementarya at 10 high school sa lungsod.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, layon ng nasabing programa na tumugon sa mas malaking pangangailangan ng mga guro na mas mapabuti at mabigyan ng mas kapaki-pakinabang na mga pasalidad ang mga estudyante at mga guro at isulong ang kadalasan ay nakakalimutan na ang kapakanan ng mga guro.

Samantala, kasama rin sa seremonya si House Speaker Alan Peter Cayetano at ang mga lingkod-bayan ng Taguig.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page