P13-B gastos ng ‘Pinas sa 30th SEA Games

Handa na ang Pilipinas sa 30th SEAGames na gaganapin sa New Clark City Sports Complex sa Capas Tarlac sa susunod na buwan.
Ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go, chairman ng Senate Committee on Sports, tinustusan ng gobyerno ng P13 bilyon ang proyekto upang mag-host ng 2019 SEAGames na gagawin sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Ang New Clark City Sports Complex ay may 20,000 seat athletics stadium, 2,000-seat aquatic center na may Olympic-size pool, pitong gusali na tutuluyan ng mga atleta at sports event official. “Isang patunay itong New Clark City Sports Complex na tapat si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang hangaring umarangkada ang imprastruktura sa bansa at malinang ang kakayahan ng sambayanang Pilipino,” giit pa ni Go.





Comments