Kung ang ex-BF, Thai transwoman daw ang bago… Kalat na: Catriona, DLSU cager ang ipinalit kay Clint
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @halfaflip
Nagsalita na ang bilyonaryang Thai transwoman na si Anne Jakrajutatip at nag-deny na dating sila ni Clint Bondad, ang ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Matatandaang nag-viral at pinagpiyestahan ng mga netizens ang nai-post ni Anne na mga pictures nila ni Clint kung saan magkatabi sila at super close sa mga kuha nila sa Thailand.
Sabi pa ng mga netizens, JKN Global Media CEO and Clint look good together.
Dahil dito, nag-react si Anne sa mga komentong natatanggap sa kanyang socmed account at nilinaw niyang ang tingin lang daw niya sa aktor ay ‘little brother.’
Ani ng Thai transwoman, “Thank you, but I’m 40 years old now. I’m the big sister to him! Hahaha! He’s my little boy.”
Twenty-five years old pa lang pala ang ex-BF ni Catriona na si Clint.
Sinabi pa ni Anne sa isa niyang fan, “He’s not my type. Sorry!”
Nu’ng isang buwan lang ay may cryptic post si Bondad sa kanyang IG account na nagbigay ng advice sa isang babae, “Tell your boy or man or boy toy that you want a break.”
Ito ay pagkatapos makunan ng picture si Catriona kasama ang De La Salle University basketball cager na si Jordan Bartlett.
May balita pang si Jordan ang ipinalit ni Catriona kay Bondad.





Comments