Flavor of the Month lang naman daw… Hirit ng netizens: Derek, dyinowa lang si Andrea dahil sexy
- Nitz Miralles
- Oct 18, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

May mga hindi masaya sa relasyon nina Derek Ramsay at Andrea Torres at mula nang i-post ni Derek ang photo nila ni Andrea na nagki-kiss sa gitna ng kalsada sa Macau, ang dami nang negative comments sa Instagram (IG) ng aktor.
May nag-akusa kay Andrea na cause ng breakup nina Derek at Joanne Villablanca. May nagsabing pera lang ni Derek ang habol niya, as if namang hindi nagtatrabaho si Andrea.
May nagpamukha kay Derek na flavor of the month lang niya si Andrea at kaya lang dyinowa ay dahil sexy. Kapag nakahanap daw ng iba si Derek, tiyak na iiwan si Andrea.
May nagsabi ring hindi si Derek ang marrying type ng guy, tatanda raw siyang mag-isa at kung anu-ano pa.
May nagsabi pang kaya sinasagot ni Derek ang mga nagko-comment ay nasasaktan kasi siya dahil totoo. Sinisisi raw nito ang mga nagpapahayag ng opinion.
Sagot ni Derek, “I am not blaming them. Don’t turn this around. I respect your opinion but this message is rude and no longer an opinion. Do you enjoy doing this? If so, sige, pls. continue.”
Anyway, mabuti at wala pang nag-react sa “this” comment ni Andrea Torres sa ipinost na photo ni Derek kasama ang anak na si Austin. Baka kasi may mag-comment na trying hard magpaka-stepmom si Andrea sa anak ni Derek.
‘Kaloka, ayaw tigilan sina Derek at Andrea. Ayaw ng iba na maging sila, bakit kaya?





Comments