top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Chief Justice Bersamin, iwas-pusoy sa protesta ni Bongbong vs. VP Leni, desisyon sinadyang i-delay

  • Pabs Hernandez III
  • Oct 18, 2019
  • 2 min read

“UTAK-DILAWAN” DIN PALA SI SPEAKER CAYETANO—Sabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na ang nararanasang matinding trapik sa Metro Manila ay tanda na lumalakas ang ekonomiya ng bansa.

Aba, “utak-dilawan” din pala si Speaker Cayetano kasi ganyan din ang sinabi nina ex-P-Noy at ex-DILG Sec. Mar Roxas noong sila pa ang nasa poder, na ang nararanasang matinding trapik sa Metro Manila ay indikasyon na malakas ang ekonomiya ng bansa, boom!

◘◘◘

NATURINGANG CJ, HINDI PALA ALAM NI CHIEF JUSTICE LUCAS BERSAMIN ANG KASABIHANG “JUSTICE DELAYED IS JUSTICE DENIED”—Inamin ng magreretirong si Chief Justice Lucas Bersamin na sinadya raw niyang i-delay ang botohan sa resulta ng election protest ni ex-Sen. “Bongbong” Marcos laban kay VP Leni Robredo dahil ayaw daw niyang magkaroon siya ng partisipasyon sa ilalabas na desisyon ng Supreme Court (SC) sa Marcos vs. Robredo.

Ganu’n? Pambihira, naturingang Chief Justice, eh, mistulang hindi niya alam ang kasabihang “justice delayed is justice denied,” pwe!

◘◘◘

KUNG SI PANELO, NAGMISTULANG ABOGADO NI GEN. ALBAYALDE; SEN. GORDON, NAGMISTULA NAMANG HUKOM —Binatikos ni Sen. Richard Gordon si Presidential Spokesman Salvador Panelo dahil nagmimistulang abogado raw ito sa katatanggol kay ex-PNP Chief Gen. Oscar Albayalde.

Buti nga si Panelo, ganu’n lang, eh, si Sen. Gordon kung makaasta, akala mo hukom na agad nang guilty si Gen. Albayalde kahit wala pang naisasampang kaso laban sa dating PNP chief, boom!

◘◘◘

‘TARA’ COLLECTORS, NAMAMAYAGPAG SA PORT OF SUBIC—Isang grupo raw ng mga “tongpats” collectors na pinamumunuan ng isang “Hunk” ang nanghihingi na naman daw ng “tara” sa mga smugglers na nais magpalusot ng mga epektos sa Port of Subic.

Si “Hunk” ay isa sa mga ibinulgar noon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na gumagamit sa pangalan ng mga opisyal ng Bureau of Customs para makapanghingi ng weekly “tara” sa mga smugglers.

Dapat “ipatokhang” ni Customs-Port of Subic District Collector Maritess Martin ang grupo ni “Hunk”, kasi ang ganda ng record niya sa Port of Subic, tapos sisirain lang ng mga “tara” collectors, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page