top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Balakang nadale.. P-Du30 sumemplang sa motor

  • M. Alfonso/ L. Abenales
  • Oct 18, 2019
  • 1 min read

Pinawi ng Malacañang ang pangamba ng publiko kaugnay sa napaulat na pagsemplang sa motorsiklo ni Pangulong Rodrigo Duterte, kamakalawa ng gabi.

Una rito, sinabi ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go na sumemplang sa motorsiklo habang papalabas na ng Presidential Security Group (PSG) Compound ang Chief Executive sa pagliko ngunit, naitukod niya ang kanyang siko kaya medyo sumakit ang balakang nito.

Samantala, sa bersiyon ni PSG Commander Gen. Joel Eriel Niembra, sumabit lamang sa bato ang isang gulong ng three-wheeled motorcycle ni Pangulong Duterte habang palabas ng garahe.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, habang naka-park umano ang motor ni Pangulong Duterte ay inaabot umano nito ang kanyang sapatos kaya nahulog sa motor at nagkagasgas ito.

Galos lamang ang tinamo ng pangulo sa kanyang siko at tuhod kaya hindi na kinailangang dalhin sa pagamutan.

Kaugnay nito, pinalalantad ng Liberal Party (LP) kay Pangulong Duterte ang totoong estado ng kalusugan at maging hospital records nito kasunod ng pagkasemplang umano sa motorsiklo.

Ayon kay Liberal Party External Vice President Erin Tañada, batay sa Article 7, Section 12 ng Konstitusyon nakasaad na kailangan batid ng publiko ang totoong kalagayan ng kalusugan ng Pangulo. Kumbinsido si Tañada na posibleng ang naturang aksidente ay may kinalaman sa iba’t ibang sakit ng Pangulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page