2 homeowners’ association sa isang Subdivision, bawal
- Dr. Persida V. Rueda-Acosta
- Oct 18, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta, Maaari bang magkaroon ng dalawang homeowners’ association sa loob ng isang subdivision? — Pidan
Dear Pidan, Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Sec. 20, Rule 5, Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 9904 o mas kilala sa tawag na “The Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations” kung saan nakasaad na:
“Section 20. Number of Associations. – As far as practicable, only one (1) homeowners’ association shall be established and registered with HLURB in each subdivision, except in cases where the subdivision consists of two (2) or more phases. xxx.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, malinaw sa batas na isang homeowners’ association lamang ang maaaring maitalaga sa loob ng isang subdivision, maliban na lamang kung ito ay binubuo ng dalawa o higit pang phases.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments