top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagdanganan, umiiskor pa sa ladies pro golf sa U.S

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Oct 17, 2019
  • 1 min read

Nagpakita na ng pamatay na porma ang pambato ng bansa sa nalalapit na Southeast Asian Games na si Bianca Pagdanganan matapos itong kumartada ng 4-under-par 68 sa pangalawang yugto ng 2019 Ladies Professional Golf Association (LPGA) Qualifiers sa palaruan ng Plantation Golf and Country Club sa Venice, Florida.

Mula sa pang 86 posisyon noong opening round kung saan siya nagsumite ng iskor na one-over-par 73, sumibad ang World Amateur no. 50 na si Pagdanganan sa pang-28 na puwesto para magliwanag pa ang tsansa niyang makausad sa LPGA Q-Series kung saan malalaman kung sinu-sino ang puwedeng maglaro sa 2020 Symmetra Tour at 2020 LPGA Tour.

Ang kabuuang iskor na 141 strokes ng parbuster na magiging pangunahing armas ng bansa sa SEAG women’s golf events ay anim na palo lang ang layo sa mga nangunguna.

Inaasahang hahataw pa sa natitirang mga rounds ang Pinay na nagreyna sa 2019 El Tigre Invitationals at sa LPGA Qualifying Tournament Stage 1 kamakailan sa California.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page