top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nag-aaway na aso at pusa, sign na dapat bisitahin at alayan ng dasal ang namatay na mister

  • Socrates Magnus
  • Oct 17, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Riza ng Riza_ Cuenca@facebook.com

Dear Professor, Palagi kong napananaginipan na kapapanganak ko lang, tapos pinalalabas ko ‘yung asawa ko kasi may multo at paglabas niya, sinundan ko siya at nakakita ako ng itim na aso at gray na pusa na nag-aaway, pero hindi nakita ng asawa ko. Ito ang napanaginipan ko bago ako manganak na isang taon nang patay ang asawa ko.

Naghihintay, Riza

Sa iyo, Riza, Dalawang linggo na lang at All Soul’s Day na kaya huwag mong kalimutan na dalawin ang puntod ng asawa mo, pero mabuting ngayon mo na siya puntahan at mag-alay ka ng panalangin sa kanyang kaluluwa.

Kung hindi ka naniniwala na ang mga kaluluwa ay buhay kahit ang tao ay patay, kalimutan mo ang ganu’ng paniniwala dahil ayon sa Banal na Aklat, “huwag kayong matakot sa pumapatay ng katawan pero hindi nakakapuksa ng kaluluwa,” ibig sabihin, kahit patay na ang katawan, ang kaluluwa ay buhay pa rin.

Totoo bang hindi mapalagay ang mga kaluluwa kung saan sila napunta nang mamatay ang katawan? Ang sagot ay oo dahil nasusulat din na may isang namatay, pero ang kanyang kaluluwa ay humihiling kay Amang Abraham at nakikiusap na siya ay pabalikin sa lupa para mabisita ang kanyang mga mahal sa buhay, pero hindi siya pinayagan.

Ayon sa panaginip mo, nag-aalala ang mister mo sa kalagayan mo, gayung wala na siya sa mundo. Kaya muli, dalawin mo ang kanyang puntod, mag-alay ng mga panalangin at kung puwede ay sa lalong madaling panahon.

Sa ganitong paraan, matatahimik ang kanyang kaluluwa dahil makikita niya na malakas ang iyong pananampalataya dahil marunong kang magdasal.

Mahalaga ang pagdarasal, anumang pagkakataon dahil marami ngayon ang nakaaalala lang sa Diyos kapag may kailangan. At kapag nagdarasal ang tao kahit walang kailangan kay Lord, natutuwa ang langit at siya ay babantayan sa lahat ng sandali ng kanyang buhay.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page