top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hindi lang mga negosyo, para bawas-trapik.. Palasyo ilipat din sa probinsiya

  • BRT
  • Oct 17, 2019
  • 1 min read

Pabor ang pamunuan ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) sa panukalang ilipat sa labas ng Metro Manila ang mga government offices kabilang na ang Malacañang.

Sa panayam kay FFCCCII President Dr. Henry Lim Bon Liong, kung ito ang isa sa mga magiging solusyon sa trapik sa kamaynilaan ay pabor ang kanilang grupo.

Suportado rin umano nila ang mga programa ng administrasyong Duterte kabilang na ang sa isyu ng trapiko at naniniwalang pangmatagalang solusyon naman ang ginagawa ng pamahalaan.

Samantala, inaasahang masisimulan na sa 2022 ang konstruksiyon ng Phase 2 ng New Clark City sa ilalim ng National Government Administrative Center sa Capas, Tarlac.

Ayon kay Bases Conversion Development Authority President at CEO Vince Dizon, anim na ahensiya ng pamahalaan ang magtatayo ng kanilang tanggapan sa Tarlac.

Kabilang ang Department of Information and Communication Technology, Department of Science and Technology, National Economic and Development Authority at imprentahan ng salapi ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Magtatayo rin ng mga satellite offices ang Supreme Court, Court of Appeals, Court of Tax Appeals at Sandiganbayan.

Magsisilbi ang NGAC bilang disaster risk and recovery center sa panahon ng kalamidad para tuluy-tuloy ang negosyo at serbisyo ng national government. Ang National Sports Center ay bahagi rin ng Phase 1A development ng NGAC kung saan parte ang world class sports facilities.

Matatandaang, ang paglilipat ng mga ahensiya ng pamahalaan sa New Clark City ay bahagi ng decongestion ng Metro Manila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page