Comelec officer utas sa riding-in-tandem

Hindi na nagawang makauwi pa sa kanyang bahay ang isang kawani ng Commission on Elections (Comelec) matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Bgy. Tugon, MacArthur, Leyte, kamakalawa ng hapon.
Dead-on-the-spot si Maureen Palejero, 42, assistant election officer sa nabanggit na munisipalidad.
Ayon kay Police Capt. Jennifer Medalla, pauwi na sa boarding house ang biktima na angkas sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang katrabaho na si Roldan Evangelista nang buntutan sila at paputukan ng dalawang suspek na magkaangkas din sa motor.
Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima habang ligtas naman si Evangelista na hindi makapaniwala sa pangyayari.
Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala mula sa .45 pistola.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang nasa likod ng krimen at ang motibo nito.





Comments