top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Board member sa probinsiya, ganid, sinosolo ang lagayan sa quarrying, nabuking, nganga na!

  • Pasaway Spotted
  • Oct 17, 2019
  • 2 min read

Jeff Tumbado / Pasaway Spotted

Spotted sa pagiging pasaway ang board member ng isang probinsiya sa norte dahil mula nang maupo ang bagong gobernador, nais niyang kopohin ang milyong pisong “tara” (bukod pa sa ipinapasok na legal na buwis) sa kapitolyo sa operasyon ng quarry.

Aba, teka ‘atorni no case’, hindi ba, masyadong makasarili ang gusto mo? Jusko naman, ang dami mong kasamahan na kapwa kaposisyon mo, baka gusto mong mag-share sa kanila?

Sabi ng bubuyog na bumulong sa atin, ipinagmamalaki ni ‘atorni no case’ na close relative raw siya ni gov. kaya ganu’n na lang ka-selfish pagdating sa pagkakaperahan.

Isang beses daw, may naganap na shocking, as in, shocking incident sa loob mismo ng silid ng Sangguniang-Panlalawigan sa kapitolyo habang nasa kalagitnaan ng session ang mga board na kinabibilangan ni ‘atorni no case’.

Bigla raw napasugod ang isang pinuno ng bayan doon at kinompronta nito si ‘atorni no case’. Nagtaas ng boses si madame yorme dahil hinahanap sa kanya ang “parating” o tara mula sa mga quarry operators.

Nakakatawa, mukhang nabukulan si madame yorme at dedma lang si ‘atorni no case’. To make the story short, ‘ika nga, nag-usap ang dalawa in private at kalaunan, parehong nakangiti paglabas ng private room.

Ayos ‘yan, pero paano naman ang hatag sa iba? Nabulungan din kaya niya? (tanong ng haliparot na bubuyog.)

Pero, makailang araw lamang ang lumipas nang biglang huminto ang mundo nina ‘atorni no case’ at madame yorme. Ito ay dahil biglang ipinahinto ng Commission on Audit (COA) at ni gov. ang multimillion dollars na quarry operations sa probinsiya dahil nasilip na may anomalya sa ipinapasok na buwis ng quarry.

Kulang na kulang daw, sabi ng haliparot na bubuyog, ang naipapasok na duties and taxes sa quarry operations.

At hanggang sa isinusulat natin ang kolum na ito, nakatengga ang operasyon ng quarry.

Kawawa naman ang mga truck drivers dahil saan sila kukuha ng ipakakain sa kani-kanilang mga pamilya? Tsk-tsk-tsk!

Ikaw ang may sala, ‘atorni no case’, pakainin mo ang pamilya ng bawat drayber na naapektuhan ng sobrang pagkaganid mo sa pitsa.

Para sa sumbong, i-text o itawag lamang ito sa 09171361211/09982606938 o mag-email sa jefftombado.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page