top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

3 arestado sa P3 milyong droga

Paul Lamsen
Oct 17, 2019
1 min read

Tatlo ang arestado matapos mahulihan ng bloke-blokeng marijuana sa isang bus terminal sa Baguio.

Ayon sa pulisya, nakuha sa tatlong hinihinalang marijuana courier ang 17 bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Kinilala ang mga suspek na sina Samuel Baldovino, Joseph Brizuela at Rhyjen Rodriguez Hernandez, pawang mga nasa hustong gulang.

Nabatid na galing ang tatlo sa Bontoc, Mountain Province at dumating sa Baguio bandang alas-10:00 ng gabi.

Nakabalot sa aluminum foil ang mga marijuana na may bigat na 17.5 kilos.

Tinatayang nagkakahalaga ang kontrabando ng P3 milyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page