‘Pag weekdays.. Mga pulis, bawal mag-golf
- Jeff Tumbado
- Oct 17, 2019
- 1 min read

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang pagbabawal sa lahat ng pulis ang paglalaro ng golf tuwing weekdays.
Sa Camp Bagong Diwa, sinabi ni Gamboa na walang mabubukod na sinumang opisyal sa nasabing kautusan.
Siya mismo umano ang haharap sa mga pulis na mahuhuling naglalaro pa rin nito mula Lunes hanggang Biyernes.
Maaari naman aniyang makapaglaro tuwing weekends.
Samantala, sumang-ayon naman si bagong talagang National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Brig. Gen. Debold Sinas sa nasabing direktiba.





Comments