top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

Mga komyuter sa SLEX, tiis pa more!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 16, 2019
  • 1 min read

Kaugnay ng nararanasang matinding trapik sa South Luzon Expressway (SLEX), marami na ang humihirit na suspendihin o kahit bawasan man lang ang sinisingil na toll.

May panukalang-batas na ring inihirit sa Kamara kung saan base sa House Resolution 428, ipinasususpinde nito ang paniningil o pinababawasan ang singil sa toll sa SLEX sa loob ng anim na buwan.

Maaaring hindi nito matutumbasan ang hirap na dinaranas ng mga komyuter, gayunman, kahit paano ay puwede na ring pampalubag-loob.

Samantala, sa isasagawang pagdinig sa Kongreso ay mapag-aaralan kung hanggang magkano ang bawas sa singil sa toll.

Kasabay nito ang pagsasaalang-alang pa rin sa operasyon ng naturang expressway.

Matatandaang, dahil sa konstruksiyon sa Skyway Extension, kinailangang isara ang ilang lanes sa SLEX na nagdudulot ng inconvenience sa 370,000 motorista at mga komyuter.

Patuloy na kalbaryo ang dinaranas lalo na kapag salubong sa weekend kung saan halos walang galawan ang trapik.

Pero, pagkatapos naman ng nasabing proyekto, tiniyak ng pamunuan ng expressway na mababawasan ang travel time, hindi na kailangang dumaan sa Alabang viaduct na pugad ng matinding trapik. Tiis-tiis lang, ‘ika nga, “no pain, no gain”.

Samantala, inaasahang matatapos ang Skyway Extension sa Disyembre 2020 habang ngayong Nobyembre ng taong ito ay bubuksan naman ang isang lane na sinasabing isa sa mga dahilan sa pagkakawindang-windang ng trapiko.

Kaya sa mga motorista at komyuter na dumaraan sa SLEX, magbaon pa ng mas maraming pasensiya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page