Kaya nagpakatatag na lang daw kahit naagawan, Marjorie… Hirit ni Dennis: Inuna ko ang kapakanan ng m

During the Q&A portion sa grand mediacon ng GMA-7 afternoon primetime seryeng Magkaagaw ay tipong may hawig sa real life story nina Sunshine Dizon at Dennis Padilla ang tema ng istorya ng nasabing serye kaya nang tanungin ni katotong Gorgy Rula ang aktor kung ito ba ay nagkaroon na ng kaagaw sa pag-ibig, ang pabirong sabi at natatawang sagot nito ay…“Gorgy, huwag mo na akong tanungin diyan… Past na ako riyan.
“Alam ng lahat ang nangyari sa buhay ko, pass na ako riyan.”
Ito ang biro at panggagaya ni Dennis sa sagot ni Sunshine Dizon sa tanong kung naranasan na ba niyang maagawan ng minamahal.
Dagdag ni Dennis, “Kung anuman ang nangyari kay Sunshine, hawig na hawig. Saka ‘yung sa akin... magkaiba kasi ‘yung sa ‘yo [Sunshine], same building,” kaya nagkatawanan ang lahat.
“I-Google n’yo na lang,” sabi uli ni Dennis nang narinig niya ang komento na “same municipality” naman ang kanyang naging kaagaw.
“Kailangang maging matibay,” ang biglang naging seryosong pahayag ni Dennis nang tanungin kung papaano niya na-handle ang mabigat na pagsubok na kanyang pinagdaanan noon.
“Lalo na kung may mga anak kayo, kailangang maging matibay.
“Ang una mong iisipin, ‘yung katayuan ng mga anak mo bago ‘yung sarili mo.
“Kaya very important ‘yung lakas mo, ‘yun ang makikita ng mga anak mo.
“Kasi hindi ka puwedeng magpakita ng kahinaan dahil ‘yung kahinaan na ‘yun, baka ‘yun pa ang maging problema ng mga anak mo.
“‘Yun lang ang natutunan ko sa buhay.
“And malalim, masakit, pero you have to be strong.
“Kapag nalaglag ka, kailangang bumangon ka,” sabi ni Dennis.
Hindi nakalimutang ipaalala ni Dennis sa entertainment press na may bago na siyang partner na maganda rin. Walang binanggit ang aktor na pangalan, pero open book sa publiko ang kanyang personal na buhay kaya may idea ang karamihan sa taong nang-agaw sa babaeng minahal niya noon.
Tsuk pasok!





Comments