Bukod sa halikan… Sheryl, may B**W Job Scene kay Jeric sa serye
Nitz Miralles / Bida

Hindi napikon at natawa lang si Sheryl Cruz nang biruin ng mga reporters sa mediacon ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Magkaagaw na ang landi-landi ng karakter at role niyang si Veron. Paano naman, nilandi at inagaw niya si Jio (Jeric Gonzales) sa asawa nitong si Clarisse (Klea Pineda).
Hindi lang siya nang-agaw ng asawa, nakipaglaplapan pa kay Jeric na sa tindi ng kissing scene, para raw siyang humihigop ng sabaw. May love scene pa ang dalawa at ang matindi, pumayag siyang magkaroon ng b**w job scene, kahit sabi ni Sheryl ay walang touching na nangyari sa kanilang dalawa.
Ito na ang pinaka-daring na role at mga eksena na ginawa ni Sheryl, kaya ni-reject niya the first time it was offered to her. Natakot siya na baka hindi niya kayanin, kaya siguro kinausap ng GMA-7 si Alice Dixson na hindi rin natuloy, kaya bumalik sila kay Sheryl at natuloy na nga ang pagganap sa role ni Veron.
Nauna nang nagpasabog si Sheryl nang mag-pictorial sa AO online magazine kung saan, nakitang boobsie pala siya. Ang sabi nito, nagmana siya sa mom niyang si Rosemarie Sonora na galing sa angkan ng mga malalaki ang boobs.
Dahil nabanggit si Rosemarie, nabanggit na rin ang auntie ni Sheryl na si Susan Roces at sabi nito, okay sila, nagtse-check sa kanya ang veteran actress na second mother na ang turing niya.
“I write her letters, okay kami ng auntie ko at nag-uusap, hindi man mahabang usapan, pero okay na ‘yun. There’s no bad blood between me and my aunt. I’m so proud of her at her age, she’s still acting,” pahayag ni Sheryl.
Pagdating kay Sen. Grace Poe, open si Sheryl na mag-usap sila basta silang dalawa lang, walang media at hindi sa harap ng publiko. But as of now, hindi pa nangyayari ‘yun.





Comments