30th Biennial Athletes, Shoot sa gold Sponsors

Malaking tulong sa parating na 30th Southeast Asian Games ang MILO, isa sa mga matagal at matibay na kasama ng palakasan ng Pilipinas.
Kamakailan ay pinatibay ng kumpanya ang kanilang paglahok bilang Gold Sponsor sa harap ng mga kinatawan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committe (POC) at mga piling atleta.
“Maraming dumating na hamon at suliranin para maraos ang isang malaking palaro tulad ng SEA Games kaya maraming salamat sa tulong ng pribadong sector lalo na ang MILO ay positibo tayo na magtatagumpay tayo,” wika ni PHISGOC Chairperson Speaker Alan Peter S. Cayetano.
“Umaasa kaming lahat na ang SEA Games ay magiging hudyat para mabuhay ang sports tourism sa bansa lalo na at gaganapin ito sa isang bagong lugar sa labas ng Kalakhang Maynila.”
Hindi masyadong namuhunan ang nakaraang administrasyon sa palakasan sa atletang Pinoy.
Subalit naniniwala ang Speaker na sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang matagumpay na SEA Games ay ang simula ng pag-angat muli ng palakasan.
Ang tema ng 30th SEA Games ay “We Win As One” bilang selebrasyon ng kahalagahan ng pagkakaisa ng rehiyon sa likod ng maraming pagkakaiba ng mga mamayanan nito.
Ito ay angkop sa mga pinapalagong pagpahalaga ng MILO sa pamamagitan ng kanilang mga programa gaya ng MILO Summer Sports Clinics, MILO Marathon, Little Olympics at marami pang iba.
Inaasahan sa mga darating na araw patungo sa pagbukas ng SEA Games sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena ay maraming magaganap na sorpresa ang MILO upang himukin ang mga taong bayan na makiisa at sabay suportahan ang mga atletang Filipino.





Comments