top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 sangkot sa nakawan, pinagbabaril

Levi Gonzales
Oct 16, 2019
1 min read

Isang tama ng bala sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ng sinasabing nasangkot sa pagnanakaw habang sugatan ang kasama nito matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. San Agustin, Tiaong, Quezon.

Batay sa ulat, naglalakad ang biktimang si Zoren Mindoro, 20, kasama si Novien Mangundayao, 27, nang sumulpot ang hindi pa nakikilalang lalaki at agad silang pinagbabaril.

Dead-on-the-spot si Zoren habang tinamanan si Novien sa kanang binti.

Sinasabing sangkot ang dalawa sa kasong nakawan noong 2017.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page