top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Senador, kampeon sa penang rapid chess

Eddie M. Paez, Jr.
Oct 15, 2019
1 min read

Hinirang na kampeon si International Master Emmanuel Senador ng Pilipinas matapos nitong irekord ang halos walang dungis na kartada sa pagsasara ng 2019 Penang Chess Association (PCA) Rapid Chess Tournament sa ikaapat na palapag ng Prangin Mall ng Penang, Malaysia.

Kumamada ng anim na magkakasunod na panalo si Senador sa unang anim na salang nito sa board bago nagkasya sa pakikipaghatian ng puntos sa kababayan at 2nd ranked na si Nelson Villanueva noong huling round para makapagtala ng kabuuang produksiyon na 6.5 puntos.

Nasa listahan ng mga nabiktima ni Senador, may rating na 2208, sina Tarendra Vinayagar Eswaran (round 1), Lincoln Chan Zhen Jie (round 2), Loo Pin Xie (round 3), Poh Yu Tian (round 4), Lim Cheng Lun (round 5) at topseed Ronnie Lim Chuin Hoong (round 6) sa tunggaliang nilahukan ng may 84 na disipulo ng paspasang ahedres at nilapatan ng time control na 20 minuto + 10 segundo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page