top of page
Pokwang.jpg

Para maintindihan ang kahirapan.. Mga pulitiko, gawing minimum ang suweldo

BRT
Oct 15, 2019
1 min read

Matapos ang Commute Challenge, panibagong hamon ang itinutulak ngayon ng mga militante para maintindihan ng mga pulitiko ang dinaranas ng karaniwang Pilipino.

Sa kanilang Minimum Wage Challenge, sinabi ni Gabriela Women’s Partylist Rep. Arlene Brosas na dapat itong maipatupad para malaman nila nang personal kung sapat ang kasalukuyang kita ng mga nasa laylayan para tugunan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan.

“Kahit ang senador at mga kongresista, minimum wage natin para nang sa ganoon, eksakto. Magkano ang pamasahe, magkano ang pagkain, magkano ang lahat,” ani Brosas sa ulat ng CNN Philippines.

Nasa Salary Grade 31 ang mga miyembro ng Kongreso, o sumusuweldo ng nasa P117,086 kada buwan bukod pa sa mga allowances na nakukuha nila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page