top of page
Pokwang.jpg

Nag-post sa FB kontra DA official.. Rice trader, guilty sa online libel

Mylene Alfonso
Oct 15, 2019
1 min read

Hinatulan ng mababang hukuman na guilty ang isang kilalang rice trader mula sa Bulacan, sa kasong online libel na inihain laban sa kanya ng isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) dahil sa kanyang mga mali at malisyosong post sa kanyang Facebook account noong nakaraang taon.

Sa 15-pahinang desisyon, hinatulan ni QC-RTC Branch 90 Hon. Judge Ma. Luisa Gonzales-Betic si Jomerito ‘Jojo’ Soliman, na nagkasala ng walang pag-aalinlangan sa kasong online libel sa ilalim ng Section 4 ng Republic Act 10175 at inaatasang magbayad ng multang P50,000 o mabilanggo.

Nabatid na nag-ugat ang kaso sa serye ng mga FB posts ni Soliman, na nagsimula noong Enero 23, 2018, at nag-aakusa laban kay DA Assistant Secretary Waldo Carpio, ng umano’y pagpabor sa ilang import permit applicants habang inaantala naman ang pag-apruba o pag-release ng para sa iba.

Inaasahan namang iaapela ni Soliman ang desisyon ng hukuman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page