top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Myanmar Champ, Giniba si Vera; Belingon at Banario, nabigo

  • Gerard Arce
  • Oct 15, 2019
  • 2 min read

Photo: OneChampionship

Nagawang lumaban at makipagsabayan ng mga Filipino mixed martial artist ng bansa, lalo na ang Team Lakay sa nakalipas na ONE: Century, Linggo, sa Ryogoku Kokugikan, Tokyo, Japan. Ngunit, bigo ang mga ito na maitawid ang panalo mula sa 4 sa 5 manlalarong Filipino na sumabak sa umaga at primetime fight cards ng ika-100 palabas na napanood ng libre sa TNT sa U.S..

Hindi nagawang maagaw ni ONE Heavyweight champion Brandon “The Truth” Vera ang titulo ni “The Burmese Python” Aung La N Sang ng itigil ng referee ang laban matapos makatanggap ng maraming upak sa mukha ang Filipino-American at mapanatili ng Myanmar dual champion ang kanyang ONE Light Heavyweight championship sa main event sa primetime.

Tinamaan ng isang matinding turn-around elbow sa sentido si Vera matapos makipagsabayan kay Aung La ng suntukan na nagdala sa kanya sa canvas upang doon na tapusin ni Aung La ng magkakasunod na suntok para sa technical knock out sa 3:23 ng round two.

Ito ang unang talo sa limang laban ni Vera sapol ng lumipat siya sa ONE galing ng UFC. Ito rin ang unang beses na bumaba siya ng timbang upang hamunin si Aung La.

Tuluyan namang pinatahimik ni Bibiano “The Flash” Fernandes si Kevin “The Silencer” Belingon ng patapikin niya ito sa pamamagitan ng rear-naked choke submission sa 2:16 ng round two. Napanatili ni Fernandes ang kanyang titulo na ONE bantamweight title at tinapos ang 4-game battle nila ni Belingon.

Ganito rin ang kinalabasan ng laban ni Honorio “The Rock” Banario ng tumapik rin ito sa D’Arce Choke ni legendary fighter at Jujitsu expert Shinya “Tobikan Judan” Aoki sa nalalabing 54 seconds ng round 1 sa lightweight bout.

Ang natirang maliwanag na panalo para sa Filipino MMA fighters ay si Lito Adiwang ng pabagsakin nito si home-crowd favorite Senzo Ikeda sa 1:57 ng first round ng Straw weight category. Ito ang unang panalo ng Team Lakay member sa debut nito sa One FC laban sa Pancrase World Champion.

Samantala, napanatili ni Angela “Unstoppable” Lee ang kanyang ONE Women’s Atomweight World Championship laban kay ONE Women’s Strawweight World Champion Xiong “The Panda Jing Nan ng China matapos ang buzzer-beater Rear Naked Choke tap sa 4:48 minutes ng 5th round. Naipaghiganti rin ni Lee ang kanyang 5th round TKO loss kay Jing Nan sa una nilang paghaharap sa ONE: A New Era sa Tokyo noong Marso.

Iginawad naman ang Lightweight World Grand Prix Championship title sa utol ni Angela na si Final Christian Lee ng Singapore ng talunin si Saygid Guseyn “Dagi” Arslanaliev ng Turkey via unanimous decision. Tinalo rin ni Japanese Yuya Wakamatsu si Korean Dae Hwan Kim via unanimous decision sa flyweight rounds.

Tagumpay naman si birthday celebrant Sam-A Gaiyanghadao ng Thailand ng pabagsakin si Daren Rolland ng France via knockout sa 1:20 ng round two para sa Strawweight Muay Thai event. Nakatakas naman sa isang split decision victory si MMA legend Yushin Okami ng Japan laban kay Agilan Thani ng Malaysia sa welterweight class.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page