top of page
Pokwang.jpg

Mabilis nga pero hindi laging safe... Tips para hindi maloko sa online shopping

Jersey Sanchez
Oct 15, 2019
2 min read

Kahit gaano mo gustong mag­shop­ping, susuko ka talaga sa siksikan at traffic tuwing holiday rush. Kaya nga­yong shopping season, patok na naman ang online shopping sa mga millennial, busy professional at mga taong galit sa hassle.

Sa kabila ng convenience at kabi-kabilang sale na meron dito, meron din itong panganib kaya importante na manatiling safe kapag nag-o-online shopping. Kadalasan, bayad muna bago deliver kung saan minsan ay hindi dumarating ang package at ang panganib sa pagbibigay ng personal na impormasyon. Paano mapananatiling safe ang online shop­ping?

1. GAWIN SA PRIBADONG LU­GAR. Kung afford mong mag-online shop­ping, siguradong afford mo rin ang private data o WiFi. Ito ay dahil hindi secured ang public WiFi, gayundin ang public computers dahil hindi mo alam kung sino ang may ac­cess doon kaya ang rule number 1, shop at home para komportable ka na, ligtas ka pa.

2. BUMILI SA TRIED AND TES­TED. Mga besh, hindi porke maraming on­line sellers at websites ay go ka lang nang go. Kung gaano ka ka-choosy sa paghahanap ng ‘the one’ mo, ganu’n ka rin dapat ka-choo­sy sa paghahanap ng mapagkakatiwala­ang online shop. Gayundin, kung may nasu­bu­kan ka nang online store at maganda ang naging experience mo, roon ka na lang ulit bumili. At kung susubok ka ng ibang store, magbasa muna ng reviews bago bumili.

3. MAG-INGAT SA PAGBIBIGAY NG IMPORMASYON. Paulit-ulit natin itong ipinaaalala dahil sa makabagong tek­nolohiya, walang imposible para makuha ng iba ang mahahalagang impormasyon. Halimbawa, sa bawat transaksiyon, kapag hin­di required na fill-up-an, dedmahin mo na lang. Maging maingat ka sa mga pinasasa­gutan sa iyo at kapag sa tingin mo ay sobra na ang hinihingi sa iyo, pass na lang dahil baka ang ending ay magamit pa sa masama ang mga impormasyon na hinihingi sa iyo.

4. SAFE PAYMENT OPTIONS. Ito umano ang pinaka-crucial pagdating sa on­line shopping kaya siguraduhing safe ang payment option na gagamitin mo. Credit card ang isa sa mga sikat na mode of payment dahil puwedeng i-cancel ang payment ka­pag hindi dumating ang item. Oks din ang mga e-wallet dahil may added security ang mga ito, pero kung hindi mo bet ang gani­tong mga paraan, oks pa rin ang COD o cash on delivery. Make sure lang na nasa bahay ka sa araw ng delivery para hindi ka mapag­ka­ma­lang scammer. He-he-he!

5. MAGBASA NANG MABUTI. Bago mag-add to cart galore, basahing ma­buti ang terms and con­ditions ng refund and return policies. Sa ga­nitong paraan, malala­man mo kung paano sosolusyunan ang defective item o maling size o kulay ng damit na dumating sa iyo. Kung walang return, ex­change o refund, it’s a no-no.

6. DOUBLE CHECK BAGO MAG­BAYAD. Huwag kang atat, besh! Bago mag-checkout, i-double check ang mga pinamili mo, lalo na ang size at kulay, delivery fee, promo code at mode of payment. Kapag na-click mo ‘yan, finish na at wala nang bawian kaya be careful. Okie?

Napaka-convenient nito dahil kering-keri mong mag-Christmas shopping kahit na­kaupo ka lang.

Para makasiguradong mae-enjoy ang experience, gawing priority ang safety at huwag itong dedmahin dahil ‘ika nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Happy shopping, mga ka-Bulgar!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page