top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Joyous solution at makaarem bumanat

Ding Taboy
Oct 15, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

Naghatid ng magandang debidendo sa Winner-Take-All sa pagkakapanalo ng apat na dehado sa ginanap na 8th Trainer’s Day sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas noong Linggo.

Nagbigay ng dibidendo sa 1st WTA ng P10,497.20 sa pagkakapano ng dehado ang Shing Shelltex nang talunin ang liyamadong crowned Prince sa Race 7. Naghatid ng dibidendong P779,192.40 sa 2nd WTA pagkakapanalo ng Makaarem sa Race 8,Summer Romance sa Race 9 at Joyous Solution sa Race 10.

Habang nagbigay ng P923,985.60 sa 3rd WTA sa pagkakapanalo ng apat na mananakbo. Nagbigay sa 1st Pick 6 ng P31,622.20 sa pakakapanalo ng Shining Sheltext at Makaarem.

Samantala, naghatid sa 2nd Pick 6 P173,513.80 sa pagkakapanalo ng Summer Romance at Joyous Solution. Habang naghatid ng P237,616.00 2nd Pick 5 sa pagkakapanalo ng Shining Sheltext at Makaarem at P23,777.00 sa 3rd Pick 5 sa pagkakapalo ng Summer Romance at Joyous Solution

Maganda ang laban sa umpisa ng karera hanggang Race 6 sa pagkakapanalo ng mga liyamado at pangalawang liyamado. Nag-umpisa ang dehado nang dumating na sa Race 7 sa pagwawagi ng apat na dehado na nagbigay ng magandang dividendo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page