Finals SEAT, pag-aagawan ng Blaze at Cargo Movers

Photo: Fox Sports
Pakay pag-agawan ng malalaking team sa local volleyball na Petron Blaze Spikers at F2 Logistics Cargo Movers ang finals duel sa pagsagupa nila sa kani-kanilang katunggali sa isang sudden-death semifinals sa Philippine Superliga Invitational Conference ngayong Martes sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.
Makaraang umangat sa Group C sa bisa ng perpektong record, ilang hakbang na lang ang Blaze Spikers sa title quest kasagupa ang Foton ng 3 p.m. habang ang Cargo Movers ay babanat kontra Cignal ng 5 p.m. sa main encounter ng pinaka-prestihiyosong women’s club tournament sa bansa.
Ang F2 Logistics, na tinapos ang preliminaries na may 5-1 win-loss na marka ay ibabalandra si Filipino-American spiker Kalei Mau na hindi nakalaro ng lima sa 6 na matches dahil sa ankle injury.
Sa nakaraan nilang panalo sa bisa ng 25-22, 25-15, 25-15 laban sa Sta. Lucia, impresibo si Mau, nakagawa ng 11 puntos upang matapatan ang atake ng Cargo na sina Ara Galang, Kianna Dy, Aby Maraño at Majoy Baron.
“Having Kalei back is a big advantage for us,” ayon kay F2 Logistics head coach Ramil de Jesus at idinagdag na si Mau ang magbibigay ng husay at positibong laro na kanilang kailangan para sa titulo dahil hinahabol nila ang korona.
Pero hindi ganun kadali ang pagtuntong sa finals. Natensiyon ang veteran team ng Cignal nang matalo sa F2 Logistics mula sa isang dramatikong finals encounter sa All-Filipino Conference ng nakaraang dalawang buwan.
Tumapos ang HD Spikers sa classification na may 5-1 card kaya inaasahan nina Rachel Anne Daquis, Jovelyn Gonzaga, Mylene Paat at Alohi Robins Hardy na isang giyera ang kanilang susuungin. “We fell short of winning the title last year so we will do everything to win this time,” saad ni Cignal coach Edgar Barroga kasunod ng five-set na pagkatalo sa Petron sa nakaraang weekend. Motibado rin ang Blaze Spikers mula sa nakaraang kabiguan.
Sinabi ni setter Rhea Dimaculangan na naleksiyunan sila mula sa pagkatalo nila sa Cignal sa semifinals kaya gagawin nila ang lahat para sa game. “We are still licking that old wound,” ayon kay Dimaculangan, dating UST star na aaksiyon sa national women’s team sa 30th Southeast Asian Games.
May paghihiganti ang all-star cast nina Sisi Rondina, Aiza Maizo-Pontillas, Ces Molina, Denden Lazaro at Dimaculangan laban sa mas batang Foton nina EJ at Eya Laure, Shaya Adorador, Elaine Kasilag at Mina Aganon.





Comments