Bastos, mayabang at namamahiya raw.. BAC member, inireklamo sa Malacañang
- Mylene Alfonso
- Oct 15, 2019
- 1 min read

Inireklamo sa Malacañang ang isang miyembro ng Bidding Award Committee (BAC) dahil umano sa pagiging bastos, mayabang at pagpapahiya sa isang bidder.
Ayon sa reklamo ng VRV Advertising Company, sumali sila sa bidding process ng detergent powder at siya ang second to the lowest bidder.
Dahil doon, nakatanggap ng notice mula sa Department of Budget and Management (BDM) Procurement Services at pinagsa-submit ng mga dokumento at sample ng produkto na kanya namang ginawa.
Nang dalhin nito ang produkto ay hindi man lamang umano binuksan sa halip ay binastos, niloko at ipinahiya umano siya ng isang Rowena Inocentes sa harap ng mga competitor nito.
Si Inocentes ay miyembro ng BAC-7 Technical Working Group (TWG) project ay nagsabi pa umanong huwag nang mag-submit ng mga dokumento dahil napili na ang LMS Industry Company.
Nais ngayon ng mga bidder na paimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Inocentes.





Comments