top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babu sa Star Magic… Jessy, lumipat na sa manager ni Luis

  • Ronalyn Seminiano
  • Oct 15, 2019
  • 1 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Photo: @senorita_jessy

Muling umugong ang issue na aalis na ang sexy actress na si Jessy Mendiola sa ABS-CBN at lilipat na raw sa GMA-7 pero muli itong nili­naw ng aktres.

Inamin naman ni Jessy na naisipan na rin niyang huwag nang bu­malik sa show­biz. Ngu­nit, sinabi niya na hindi naman niya ba­lak at hindi niya naisi­pan ang mag-transfer ng network.

“But when it comes to transferring networks and all, wala pa ‘ko sa ganu’n. More of, like, I’m exploring my options. Feeling ko, kailangan mo ring maging open sa ibang bagay, hindi naman pu­wedeng kung ano lang ‘yung alam mo sa buong buhay mo, dapat du’n ka lang.”

Gusto rin daw niyang maging open sa paggawa ng films at projects na out of the box.

Kaya naman, inamin ni Jessy na nagpaalam na siya sa Star Magic at ngayon ay nasa pangangalaga na siya ng manager ng BF na si Luis Manzano na si June Rufino. Pero, wala naman daw siyang bad blood sa mga bossing niya sa Star Magic.

“Nagpaalam ako nang maayos. And sina Mr. M (Johnny Manahan) and Tita Mariole (Alberto), they were very understanding na sabi nila sa akin, ‘Dadating talaga sa point na ganyan, eh. Kasi marami na rin naman tala­gang artista na nag-try na mag-explore sa ibang bagay.’ So, pinayagan nila ako. Walang struggle or whatever.”

Very supportive naman daw si Luis sa naging desisyon niya kung saan siya masaya, pero nilinaw niyang hindi siya pinilit ng BF na umalis sa Star Magic at lumipat ng manager.

So, ‘yan, mga beshies, sana ay ma­linaw na sa lahat na walang lipatan ng network na magaganap.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page