top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

1 todas, 1 sugatan sa duwelo

Pabs Hernandez III
Oct 15, 2019
1 min read

Camarines Sur—Isa ang namatay at isa ang sugatan nang magduwelo ang dalawang lalaking nag-iinuman kamakalawa sa Bgy. Tabion, Del Gallego.

Kinilala ng pulisya ang nasawing nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Romeo Laureciano, samantalang, ang sugatan na nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib ay si Jayson Dalma, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon, nag-iinuman ang dalawa nang magkaroon ng pagtatalo kaya binaril ni Laureciano si Dalma.

Kahit duguan ay nagawang bunutin ni Dalma ang dala nitong patalim at pinagsasaksak si Laureciano hanggang sa mapatay.

Kasalukuyan pang inoobserbahan sa pagamutan si Dalma.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page