Pusher timbog sa buy-bust
Nueva Ecija—Nadakip ang isang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Barrera, Aliaga.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jolan Bernardo, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Ayon sa pulisya, matagal na nilang tinatrabaho sa buy-bust operation si Bernardo at kamakalawa lang ito kumagat sa kanilang pain kaya nadakip ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments